bitter

Hustisya Para sa mga Single: Couple Strategy

“Hi Jollibee, pa-request naman ng priority lane for singles sa stores nyo. For control purposes, pwede na ang ‘present your Facebook relationship status’ as evidence that you are actually single. #bitter Hahaha!”

Ang utak lang ni Ate at Kuyang mag-jowa sa Jollibee. Since dalawa yung pila, pumuwesto sila sa gitna habang magkatabi para nga naman represented sila sa both lanes. Maunang makarating sa harap na lang, ang mahalaga walang makauna sa kanila!

At habang takap na takap ako sa oorderin kong one piece spicy chicken, nagbubulungan ang dalawa kung anong oorderin nila kasi as it turned out hindi nila napaghandaan ang tactic nilang ito, hahaha.

Obviously isa ito sa advantages ng “in a relationship”, kaya: NASAAN ANG HUSTISYA PARA SA MGA SINGLE NA BUMIBILI NG ONE PIECE SPICY CHICKEN SA JOLLIBEE?!

Hahaha!

Bitter!

Image

 

“Hindi naman sana masakit kung hindi ka lang bitter.”

Sa araw na ito gusto kong malaman mo na wala kang karapatang maging bitter sa isang bagay na hindi mo naman sinubukan.

Paano mo sasabihing hindi masarap ang isang pagkaing tinitigan mo lamang. Kahit na may mga nagsasabing nabusog sila sa tingin lamang, alam naman nating lahat na walang lasa ang titig lang.

Ngunit minsan talaga, may mga tao, bagay o pangyayari na hindi natin maiwasang pagmapaitan. Halimbawa ay iyong isang taong takot na takot kang sugalan. Takot kang sumugal kahit na alam mong ikaw ay Hari sa kanyang paningin. Hanggang isang araw, nalaman mo na lang na may Alas na pala ang Queen. Sa laro ninyong pusoy-dos, ano pa ang halaga ng Hari kundi panapon lang din.