Author: marvelous36

Auditor by profession. A frustrated writer. And a tennis fan.

Wrong Timing (The One Where I Reveal Somebody’s Secret)

wrong timing real

Buti pa si Alden at si Yaya
Kahit ‘di pa sila nagkikita
Milyon milyon ang fans nila
Right timing nga daw kasi ang tambalan nila
Yung kilig, sa tamang panahon nahuli ng camera
Eh tayong dalawa?
Kahit araw araw pa tayong magkita
Kahit magsigawan pa lahat ng nilalang sa lahat ng planeta
Kahit tutukan pa tayo ng madaming camera
Wala. Walang wala.
Dahil allowed ka lang kiligin ‘pag ‘yung sa akin lipas na
Dahil tumitingin ka lang sa akin ‘pag nakakita na ako ng iba
Dahil ‘pag pinagbigyan kita, sinasabi mong gusto mo nang balikan s’ya
Oo, naalala mo lang ako pag nasasaktan ka
Oo, nandiyan ka lang pag alam mong kaya akong alagaan ng iba
Kung meron sigurong parallel na tadhana, siguro iyon ay tayong dalawa
Kung gawing FRVROEE ang spelling ng forever, iyon ay dahil sa ating dalawa.
Dahil hinding hindi tayo magtugma
Dahil ang puso natin tila nakashades yata
Ayaw kasi nilang makita ang isa’t isa
Tapos sasabihin mo iyon siguro ang nakasulat sa mga tala
Oo na.
Tanggap ko na.
Wrong timing na nga eh, di ba?

Gusto Ko Sana. Gusto Kita. (The One With All the Imbentos)

Gusto Ko Sana

Paano mo kaya malalaman na palihim kitang sinusulyapan?

Paano mo kaya malalaman na palihim kitang tinitingnan kung piniringan niya ang iyong mga mata habang akay-akay ang iyong kamay?

Paano mo kaya malalaman na habang tinatanggal niya ang piring sa iyong mga mata, ako’y humihiling na sumulyap ka sa akin?

Pero, mukhang gulat na gulat ka na sa kanyang sorpresa.

Gulat na gulat at tuwang-tuwa.

At sa labis mong katuwaan, nalimutan mo na nag iyong paligid.

Kasama na ako.

***

Gusto ko sanang hawakan ang iyong kamay.

Ngunit bago ko ito magawa, ang mata ko’y nasilaw. Nasilaw ng brilyante mula sa singsing na kanyang ibinigay.

Mabuti na lamang at mula sa kislap niyon ay di mo napansin ang aking mukha.

Dahil malamang, bakas na baka doon ng kagustuhan kong tanggalin ang singsing na kanyang inilagay.

At palitan ito ng kahit na ano. Kahit na ano, bastta’t ang kahit anong iyon ay nanggaling sa akin.

Kahit laso, kahit panahi, kahit ano,

Basta’t hugis bilog,

Basta’t kasya sa palasingsingan mo,

Basta’t kayang takpan ang namuting bahagi ng daliri mo dahil sa singsing na galing sa kanya.

Ngunit alam kong kung gagawin ko ito, ikaw ay masasaktan.

Bakit hindi eh hulmang-hulma ang singsing sa iyong palasingsingan.

Malamang. Eh lagi niya itong nahahawakan. Kaya nasaulo na niya siguro kabuuan ng iyong kamay.

***

Gusto ko nga sanang ikaw ay akbayan.

Katulad ng dati, yakapin ka habang nagkukwentuhan.

Ngunit paano? Nakasandal ka na sa balikat nya.

Ang espasyo ay para lamang sa dalawa.

Siguro ay tama lamang naman, Ano bang silbi ng balikat ko sa’yo?

Hindi ba’t iyakan lang naman tuwing ikaw ay nasasaktan?

Ngayon, kung iiyak ka man, ibang uri ng luha ang tutulo sa iyong mga mata. Luha ng katuwaan.

Ang galing nga eh! Naididikta din pala ng luha kung aling balikat ang dapat niyang luhaan.

***

Gusto ko sana. Gusto sana kita.

Kaya lang, sa kanya ka na.

At sabi mo, masaya ka. Kaya sasarilinin ko na lamang.

Ayaw ko nga sanang hugutin, ayaw ko na sang usalin. Ayaw ko na sanang sa’yo ay sabihin.

Pero ngayon ay aking pasasabugin. Dahil alam kong hindi mo naman din mapapansin.

Dahil may panibago na naman syang piring.

Dahil malapit na niyang ibigay ang pangalawang singsing.

Dahil ang balikat nya ay sinlawak ng EDSA.

Dahil masaya ka na.

Gusto kita, pero mas tamang mapasakanya ka.

ANOTHER KIND OF HEARTBREAK: THE ALASKA AND MS. TSINITA SAGA

ala1

CTTO: Alaska Aces FB Fanpage

(No one will care. Some of you might find it OA and crazy but well, it is, haha. But I’ll post it anyway. Written last January 22, 2AM. Isa sa mga dahilan kaya late ako nung Huwebes na yun, hahaha)

Habang sinusulat ko ito, sinasabi ng orasan sa aking cellphone na “Matulog ka na, alas dos na”. Pero alam mo yung masakit ang ngipin mo tapos hindi mo talaga magawang matulog. Tapos maiisip mo. Ano kaya? Ano kaya kung nagpadentist ka agad kahapon? Ano kaya kung hindi ka tinamad magtoothbrush nung isang araw? And you know that it will be a “ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan” moment.

But in this case, hindi ngipin o kalingkingan ang masakit sa akin. Ni hindi nga yung mga binti kong tumakbo ng dalawang kilometro kanina ang masakit at ayaw magpatulog sa akin.

Ano kaya kung nanalo ang Alaska, manlilibre kaya ako ng ice cream bukas? Ano kaya kung na-shoot ni The Beast yung last shot nya, tapos and one pa? Ano kaya kung….

Ngayong gabi, sa loob ng dalawang minuto, naranasan kong umasa at mabigo. At pagkatapos, ang magkunwaring wala akong pakialam-kahit-anong-mangyari-okay-lang-tanggap-ko-na-alam-kong-dito-naman-talaga-mauuwi-ang-lahat. Ang magkunyaring naiintindihan ko ang concept na “Ganun talaga, may susunod pa naman”.

Sounds familiar right? Yes it is! It’s a heart break. But a different kind of heartbreak.

A SPORTS HEART BREAK.

Because just 4 hours ago, my favorite PBA team, the Alaska Aces, lost to San Miguel Beermen, 80-78 in Game 7 of the 2014-2015 Philippine Cup.

Is it “OA” and ridiculous to compare this feeling to a heart break? Maybe it is. But consider this.

Alam mo yung crush mong tsinita. ‘Yung babaeng alam mong di mapapasayo pero sinubukan mo. Ilang ulit, akala mo basted ka na pero nakahinga ka ng maluwang nung pumayag pa din syang ihatid mo sya pauwi (Game 1 and 3). Nung minsang hinatid mo sya, nung pabalik ka na, nabugbog ka pa (Game 2). Habang tumatagal, madami ang nagsasabing, “She’s way out of your league, bro” (Game 4 and 5) pero sabi mo “Eh ano naman?”. At times, you’re so determined, you’re personal mantra is, “Hindi ko to susukuan without trying” (Game 6). Tapos matapos ang mahabang ligawan, isang gabi (Game 7), sinabi nyang sunduin mo sya sa office nya at kumain kayo ng dinner. Its anticipation, excitement, hope, doubt rolled into one ala samgyeopsal. This is it! Go big or go home.

That’s the story of this championship series. At katulad ng pagliyag mo kay Bb. Tsinita, gagawin mo ang mga bagay na hindi mo dati ginagawa para maimpress sya. Kung mahilig syang mag-mountain climbing, magiging laman ng Google search history mo ang “paano akyatin ang bundok?”, “nakaakyat ka na ba ng bundok” at “ano ang ginagawa pag umaakyat ng bundok”. Kung paborito nyang cartoon character si Winnie the Pooh, hahanap ka ng character sa Winnie the Pooh na babagay sa personality mo. Yung mga bagay na akala mo dati ay kalokohan lamang, gingagawa mo because that will help you to be closer to her.

Sinadya kong hindi manuod ng Game 7 because I thought those cardiac games are giving my heart the wrong kind of exercise. Sinadya kong hindi manuod ng Game 7 dahil naduduwag akong makitang matambakan ang Alaska. Pero ang totoo, sindya kong hindi manuod ng Game 7 dahil naisip ko na ‘pag nanunuod ako ng game, natatalo ang Alaska. Isang bagay na ‘pag nababasa ko sa mga forum at status ng mga friends ko sa Facebook, napapailing ako sabay sabing “EXCUSES!“. Hahaha.

You see, if Ms. Tsinita made you obsessed with Winnie the Pooh and mountain climbing, this series turned me into a superstitious human being.

Kaya kanina, nagjogging na lang ako kasama ng mga kaibigan. 24 ang lamang ng kalaban nung sinilip ko ang score sa aking Twitter timeline. O sya jogging pa more. Sabi ng aking kasamang si Marla, “Pag nakatakbo ka ng dalawang derechong ikot (about 500 meters isang ikot), tatambakan ng Alaska ang SMB.”  Okay then… CHALLENGE ACCEPTED. I don’t think nakatakbo na ako ng ganoon kabilis at kalayo nang dere-derecho (I dont like running that much) sa buong buhay ko but I did it.

Habang pauwi kami, inabala ko ang aking isipan sa pag iisip ng ibang bagay habang bitbit ang Gatorade na dilaw at chicken sandwich na binili ko sa Family Mart. Habang palapit ako sa bahay, nanginginig ang tuhod ko, hindi dahil sa kakatakbo kundi dahil bubuksan ko na ulit ang Twitter account ko. Mas lumala ang kaba ko nung matagal magload ang timeline ko. (Ano ba Globe? #MaisingitLang) Kaya kumain muna ako ng sandwich. At noon ko nakita ang score. Lamang na lang ng 3 ang kalaban. Wow, paano nangyari yun? From 24 naging 3? Shit, magpapahatid na naman ata sa bahay nya ang chinitang crush ko.

Ang sandwich ay naglasang bulak. Parang ngumunguya ako ng ulap. Yung Gatorade na kulay dilaw ay naglasang Surf dishwashing liquid. SHIT. SHIT.SHIT. Kaba. Kaba. Kaba.

Please lumamang na kayo. 8 minutes na lang! And Alaska did. For about 4 minutes. Tapos sabi sa Twitter lamang sila ng dalawa. Tapos timeout. Pero yung lintik na kapit bahay namin sumisigaw. Shit Twitter! Bakit ka delayed? Buntis ka ba? Sana lang Alaska fan si Kuya at naka 3 point si Baguio kaya sya sumisigaw.

Pero ‘pag refresh ko… Ay pota. Fan pala ng SMB si Kuya.

Hanggang huli, hanggang dun sa jump ball, umasa ako na magtetext si Chinita. Labas na me. Wer na u? Pero wala, alaws, talo, olats. Basted. It’s not, you it’s me. All that crap!

Kung naging kayo ni Ms. Tsinita, sasabihin ng iba, swerte mo naman. O kung sa basketball, ang term daw dyan ay tsamba. You’ll call yourself, the never-give-up-guy o kung sa basketball, never say die. Pero minsan nakakahapo maghabol ng tambak ng kalaban. Kaya pag malapit na, bumibigay ka na lang, hindi dahil ayaw mo na, hindi dahil nagsawa ka na. Kundi hanggang dun na lang talaga. Dahil kahit aminin mo man hindi, totoo ang concept na “Ganun talaga. May susunod pa naman”.

Sa ngayon, ang puso ko ay masakit. Pero sa huli,alam kong mawawala din ito. Because this is what sports is all about. It’s about anticipation, excitement, hope, doubt rolled into one ala samgyeopsal. It’s about courting Ms. Tsinita even though she’s way out of your league and waiting for her text every 5 PM. At kung wala kang mareceive, eh….

Ganun talaga. May susunod pa naman.

🙂

ala2

Mga Uri ng Facebook Likes

like

Ang Facebook likes parang virginity, hindi dapat basta – basta pinapamigay sa mga hindi deserving na tao.

I want to end this conversation like.  Ginawa nang chatbox ng friend mo yung picture / status mo. Ayaw mo nang pahabain pa kasi ayaw mo nang kausap sya kaya nilike mo na lang ang last comment nya.

Obligatory like. Binati ka ng Happy Birthday nung FB friend mong inadd mo lang  dati kasi kailangan mo ng additional neighbor sa Farmville. Bastos naman ata kung di mo i-lalike yung greetings nya sa wall mo.

Paramdam like. Nilike mo yung status niya para iparamdam sa kanya na concern ka at binabasa mo ang mga status nya.

Hopeful like. Kung nagbunga ang mga paramdam likes mo at medyo close na kayo, nagtatransform yung mga paramdam likes mo into  hopeful likes. Yung kada status nya, akala mo tungkol sa yo kaya nilalike mo.

Accidental like.  Antagal mag open ng Facebook app mo. Sa sobrang inip mo, naka limang pindot ka dun sa icon. Hanggang malike mo yung kauna unahang status sa timeline mo.

Buking like. May ini-stalk ka. Nagpunta ka sa profile nya. Sa sobrang excited mo napa-like ka sa isang status nya na pinost nya 2 years ago pa. Sabay unlike ka. Kaso mo, nagnotify na sa kanya. Huli ka balbon!

Bandwagon like. Wow andaming likes nung selfie ng friend mo habang kagat kagat nya yung kutsara ng sundae sa McDo. O sige na nga i-like mo na din.

Tutok – baril sa ulo like. Hindi ko alam kung uso pa ito. Yung napilitan kang maglike kasi sinabihan kang maglike. Na parang FBFO na kayo kung di mo gagawin. Facebook friendship over.

FBFR like.  Facebook friendship revived naman ang tawag sa mga likes na resulta ng biglaang PM ng KAKILALA mo kahit recently e wala naman kayong masyadong social media interaction. Kasali daw kasi sa Mr. / Ms. Facebook yung anak ng kaibigan ng pinsan ng kaopisina nya. I-like mo daw yung picture kasi may award ang pinakamadaming maaabalang facebook friends.

Napa-smile mo ako like. Dugo pwet ka na kakatawa nung nabasa mo ang status nya, dugo ilong ka pa sa pag intindi sa ibig nyang sabihin. Deadly combination to earn a blue thumbs up.

Misteryosong like. Resulta ng pa-mysterious status ng FB friends mo na pag tinanong mo e sasagot ng secret. Halatang gusto lang magpakacontroversial. Sa susunod, wag ka nang magtanong, i-like mo na lang para kunyari gets mo ibig nyang sabihin para maguluhan sya at magkaparanoia. CONFESSION: Ginagawa ko to minsan. Yung mysterious status, hindi yung mysterious like.

Tanga like. Nagshare ka ng article. May naglike. Tapos nangyari ito. Antanga di ba?

Ako’y May Isang Tula: Notes to Self

notes to self

(ONE)

Maglaan ka ng isang araw para sa Kanya

Pumikit ng maiigi at bumulong ng pagsamba

Hindi lang mga hiling mo ang mahalaga

Maging pasasalamat ay nadidinig Niya

(TWO)

Maglaan ka ng isang araw para humabi

Ng kuwentong hindi tungkol sa sarili

Ng kuwentong magbibigay ng ngiti sa ibang labi

Ng kuwentong baon mo, saan ka man magawi

(THREE)

Maglaan ka ng isang araw upang ngumiti

Dahil nagawa mo ang bagay na iyong pinili

Dahil sinubukan mong ang iyong takot ay magapi

Dahil nagsikap ka at ikaw ay nagwagi

(FOUR)

Maglaan ka ng isang araw upang mag-alala

Dahil ang buhay ay tila isang nobela

Kung walang mga hadlang, parang hindi maganda

Parang wlaang saysay ang tagumpay ng bayaning bida

(FIVE)

Maglaan ka ng isang araw upang masdan ang langit

At pakinggan ang hangin sa malamyos niyang pag-awit

Huwag mahiyang ituro ang mga ibon sa himpapawid

Iwanang sandali, magulo mong paligid

(SIX)

Maglaan ka ng isang araw upang sumigaw

Upang alisin ang sakit kahit pa mapagaw

Upang bumalik sa tamang landas mula sa pagkakaligaw

Upang punuin ang dibdib ng apoy na ‘sing init ng araw

(SEVEN)

Maglaan ka ng isang araw upang umibig

Sa sarili, sa kapwa, sa bayan, sa agham at sa sining

Sa mga tao at bagay na nais mong kulungin

Sa loob ng iyong bisig bago magtakipsilim

Ang Panget, Ang Aso At Ang Ham

‘Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. ‘Pag hinabol ka ng aso, batuhin mo ng hotdog.

 

Sa araw na ito, gusto kong malaman mo na hindi ka kailanman maaapektuhan ng nakaraan unless ang nakaraang iyon ay isang masakit na katotohanan. We are easily  bothered by an ugly truth from our past.

 

Kung naglalakad ka at may poging lalaki / magandang babae sa likod mo tatakbo ka ba? E kung aso ang nasa likod mo at tipong lalapain ka, tatakbo ka ba?

 

But sooner or later, we would really have to face that very ugly truth. Kasi nature daw talaga ng aso na makaaamoy ng takot ng isang tao. Mas takot ka, mas amoy nya. Kaya kailangan mong maging matapang upang lingunin at titigan ang aso, sundan mo ang mga mata niyang nakatitig sa bulsa mo. Doon mo matutuklasan na hindi pala ikaw ang hinahabol ng aso, kindi ang kapirasong ham na itinitago mo.  Itapon mo ang ham papunta sa aso at panuodin sya habang nilalamon ito. Gumaan na ang bulsa mo, nabusog pa ang aso.

HUSTISYA PARA SA MGA SINGLE: Mga Dahilan Para Maging Single

Naranasan mo na ba yung kumakain ka ng dessert sa isang kasalan tapos may lalapit sa iyo at tatanungin ka:

“Bakit wala kang kasama?”

Which is an implied question for:

“Nasaan ang boyfriend / girlfriend mo?”

Naranasan mo na bang sumakay sa jeep tapos may nakatabi kang kakilala tapos tinanong ka:

“May asawa ka na ba?”

And you know it will lead you to that inevitable question.

Hanggang dumating ‘yung time na hindi ka na umaattend ng mga kasal, nagdadahilan ka na para hindi pumunta sa binyag. Nagkukunyari ka nang walang kakilala sa jeep na nasakyan mo, nagooffline ka na sa FB ‘para walang maka-chat sa’yo. At marami pang iba.

Pero ang pinakaeffective sa lahat ay kung may ready answer ka na ‘pag tinanong ka na ng:

May asawa /bf /gf ka na ba? If wala, please explain kung bakit. Limit your answer in two to three sentences.

Here are some of them:

1. “CAREER MUNA”

Possible Common Reaction:Wow, artista?”

Two to Three Sentence Response: Ganun talaga. Mahina ako sa multi-tasking eh.

2. “NAG-IIPON PA”

Possible Common Reaction:Saka na, ‘pag may katulong ka nang mag-ipon.”

Two to Three Sentence Response: Eh paano ‘pag biglang bukas meron na. Wala namang masamang mag-ipon kahit wala pang pinag-iipunan?

3.WALANG MAGKAGUSTO EH”

Possible Common Reaction: “Eh kadami dyan e.”

Two to Three Sentence Response: Kung ang pagpasok sa isang relationship ay parang pagbili lamang ng mangga sa palengke, matagal na akong nakabili. Kung gusto nyo yung pinakamalaki, pinakamatamis at pinakahinog pa.

4.MAHIRAP ANG BUHAY EH”

Possible Common Reaction: ” Sus naman, makakaraos din yan pag andyan na!”

Two to Three Sentence Response: According to the latest SWS survey 4.8 million families experience involuntary hunger at least once in the past three months. Fact. Period. (Note: Kailangang subscribed ka sa latest SWS survey to use this reason)

5.ASK ME AGAIN AFTER 5 YEARS, *smile mysteriously*” (Note: Be sure to sell the smile, make it convincing enough)

Possible Common Reaction: ” Tatandaan ko yan, *smile doubltfully*!”

Two to Three Sentence Response: *nothing* (Pray ka na lang every night na na after five years, you are not single anymore or mababaling na sa iba ang mga tanong nila kasi sawa na sila)

6. “DADATING DIN ‘YUN!”

Possible Common Reaction: “Ay sya baka mapanis ka na kakahintay ”

Two to Three Sentence Response: Hindi naman ako naiinip. Di ‘ga nga at mas matagal kumulo ang sinaing kapag binabantayan. Baka masira pa ang rice cooker ‘pag pinilit.

 7. “DI NAMAN SIGURO AKO MAUUBUSAN!”

Possible Common Reaction: “‘Di mo din alam.”

Two to Three Sentence Response: Apat na bata ang isinisilang kada minuto sa Pilipinas. Fact again. Period.

8. “WALA AKONG TIME ‘DYAN EH!.”

Possible Common Reaction: “‘Weh, ‘di nga?”

Two to Three Sentence Response: *insert litanya of all the things you need to accomplish or have been accomplished so far* (Be sure that the person asking you the question does not possess / or currently doing those things hahaha)

Possible unexpected reaction: *walk out ang nagtanong*

9. “‘PAG SINGLE NA SI… *insert name of hottest celebrity who is currently in a relationship here*

Possible Common Reaction: “‘Ilusyon na ‘yan friend”

Two to Three Sentence Response: Anong ilusyon? Ang tawag dun, ambisyon. Para lang ‘yang”When I grow up, I want to be an astronaut”. Medyo far-fetched pero pwedeng mangyari.

10. “BATA PA NAMAN AKO”

Possible Common Reaction: “Bata pa ba ‘yung malapit nang mawala sa kalendaryo?”

Two to Three Sentence Response: Hindi naman kalendaryo ang nagtatakda ng edad, attitude! The more you think that you are still young, the younger you will become.

Those are just few examples. Madami pang iba.

Kaya kung single ka, baligtadin mo ang kasabihan at lagi mong isipin:

“Kung gusto kong maging single, madaming dahilan, kung ayaw ko na madami ding paraan.”

🙂

Hustisya para sa mga single na hindi makain ng maayos ang dessert tuwing umaattend ng kasalan!