Mga Uri ng Facebook Likes

like

Ang Facebook likes parang virginity, hindi dapat basta – basta pinapamigay sa mga hindi deserving na tao.

I want to end this conversation like.  Ginawa nang chatbox ng friend mo yung picture / status mo. Ayaw mo nang pahabain pa kasi ayaw mo nang kausap sya kaya nilike mo na lang ang last comment nya.

Obligatory like. Binati ka ng Happy Birthday nung FB friend mong inadd mo lang  dati kasi kailangan mo ng additional neighbor sa Farmville. Bastos naman ata kung di mo i-lalike yung greetings nya sa wall mo.

Paramdam like. Nilike mo yung status niya para iparamdam sa kanya na concern ka at binabasa mo ang mga status nya.

Hopeful like. Kung nagbunga ang mga paramdam likes mo at medyo close na kayo, nagtatransform yung mga paramdam likes mo into  hopeful likes. Yung kada status nya, akala mo tungkol sa yo kaya nilalike mo.

Accidental like.  Antagal mag open ng Facebook app mo. Sa sobrang inip mo, naka limang pindot ka dun sa icon. Hanggang malike mo yung kauna unahang status sa timeline mo.

Buking like. May ini-stalk ka. Nagpunta ka sa profile nya. Sa sobrang excited mo napa-like ka sa isang status nya na pinost nya 2 years ago pa. Sabay unlike ka. Kaso mo, nagnotify na sa kanya. Huli ka balbon!

Bandwagon like. Wow andaming likes nung selfie ng friend mo habang kagat kagat nya yung kutsara ng sundae sa McDo. O sige na nga i-like mo na din.

Tutok – baril sa ulo like. Hindi ko alam kung uso pa ito. Yung napilitan kang maglike kasi sinabihan kang maglike. Na parang FBFO na kayo kung di mo gagawin. Facebook friendship over.

FBFR like.  Facebook friendship revived naman ang tawag sa mga likes na resulta ng biglaang PM ng KAKILALA mo kahit recently e wala naman kayong masyadong social media interaction. Kasali daw kasi sa Mr. / Ms. Facebook yung anak ng kaibigan ng pinsan ng kaopisina nya. I-like mo daw yung picture kasi may award ang pinakamadaming maaabalang facebook friends.

Napa-smile mo ako like. Dugo pwet ka na kakatawa nung nabasa mo ang status nya, dugo ilong ka pa sa pag intindi sa ibig nyang sabihin. Deadly combination to earn a blue thumbs up.

Misteryosong like. Resulta ng pa-mysterious status ng FB friends mo na pag tinanong mo e sasagot ng secret. Halatang gusto lang magpakacontroversial. Sa susunod, wag ka nang magtanong, i-like mo na lang para kunyari gets mo ibig nyang sabihin para maguluhan sya at magkaparanoia. CONFESSION: Ginagawa ko to minsan. Yung mysterious status, hindi yung mysterious like.

Tanga like. Nagshare ka ng article. May naglike. Tapos nangyari ito. Antanga di ba?

2 comments

Leave a comment