Month: January 2015

ANOTHER KIND OF HEARTBREAK: THE ALASKA AND MS. TSINITA SAGA

ala1

CTTO: Alaska Aces FB Fanpage

(No one will care. Some of you might find it OA and crazy but well, it is, haha. But I’ll post it anyway. Written last January 22, 2AM. Isa sa mga dahilan kaya late ako nung Huwebes na yun, hahaha)

Habang sinusulat ko ito, sinasabi ng orasan sa aking cellphone na “Matulog ka na, alas dos na”. Pero alam mo yung masakit ang ngipin mo tapos hindi mo talaga magawang matulog. Tapos maiisip mo. Ano kaya? Ano kaya kung nagpadentist ka agad kahapon? Ano kaya kung hindi ka tinamad magtoothbrush nung isang araw? And you know that it will be a “ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan” moment.

But in this case, hindi ngipin o kalingkingan ang masakit sa akin. Ni hindi nga yung mga binti kong tumakbo ng dalawang kilometro kanina ang masakit at ayaw magpatulog sa akin.

Ano kaya kung nanalo ang Alaska, manlilibre kaya ako ng ice cream bukas? Ano kaya kung na-shoot ni The Beast yung last shot nya, tapos and one pa? Ano kaya kung….

Ngayong gabi, sa loob ng dalawang minuto, naranasan kong umasa at mabigo. At pagkatapos, ang magkunwaring wala akong pakialam-kahit-anong-mangyari-okay-lang-tanggap-ko-na-alam-kong-dito-naman-talaga-mauuwi-ang-lahat. Ang magkunyaring naiintindihan ko ang concept na “Ganun talaga, may susunod pa naman”.

Sounds familiar right? Yes it is! It’s a heart break. But a different kind of heartbreak.

A SPORTS HEART BREAK.

Because just 4 hours ago, my favorite PBA team, the Alaska Aces, lost to San Miguel Beermen, 80-78 in Game 7 of the 2014-2015 Philippine Cup.

Is it “OA” and ridiculous to compare this feeling to a heart break? Maybe it is. But consider this.

Alam mo yung crush mong tsinita. ‘Yung babaeng alam mong di mapapasayo pero sinubukan mo. Ilang ulit, akala mo basted ka na pero nakahinga ka ng maluwang nung pumayag pa din syang ihatid mo sya pauwi (Game 1 and 3). Nung minsang hinatid mo sya, nung pabalik ka na, nabugbog ka pa (Game 2). Habang tumatagal, madami ang nagsasabing, “She’s way out of your league, bro” (Game 4 and 5) pero sabi mo “Eh ano naman?”. At times, you’re so determined, you’re personal mantra is, “Hindi ko to susukuan without trying” (Game 6). Tapos matapos ang mahabang ligawan, isang gabi (Game 7), sinabi nyang sunduin mo sya sa office nya at kumain kayo ng dinner. Its anticipation, excitement, hope, doubt rolled into one ala samgyeopsal. This is it! Go big or go home.

That’s the story of this championship series. At katulad ng pagliyag mo kay Bb. Tsinita, gagawin mo ang mga bagay na hindi mo dati ginagawa para maimpress sya. Kung mahilig syang mag-mountain climbing, magiging laman ng Google search history mo ang “paano akyatin ang bundok?”, “nakaakyat ka na ba ng bundok” at “ano ang ginagawa pag umaakyat ng bundok”. Kung paborito nyang cartoon character si Winnie the Pooh, hahanap ka ng character sa Winnie the Pooh na babagay sa personality mo. Yung mga bagay na akala mo dati ay kalokohan lamang, gingagawa mo because that will help you to be closer to her.

Sinadya kong hindi manuod ng Game 7 because I thought those cardiac games are giving my heart the wrong kind of exercise. Sinadya kong hindi manuod ng Game 7 dahil naduduwag akong makitang matambakan ang Alaska. Pero ang totoo, sindya kong hindi manuod ng Game 7 dahil naisip ko na ‘pag nanunuod ako ng game, natatalo ang Alaska. Isang bagay na ‘pag nababasa ko sa mga forum at status ng mga friends ko sa Facebook, napapailing ako sabay sabing “EXCUSES!“. Hahaha.

You see, if Ms. Tsinita made you obsessed with Winnie the Pooh and mountain climbing, this series turned me into a superstitious human being.

Kaya kanina, nagjogging na lang ako kasama ng mga kaibigan. 24 ang lamang ng kalaban nung sinilip ko ang score sa aking Twitter timeline. O sya jogging pa more. Sabi ng aking kasamang si Marla, “Pag nakatakbo ka ng dalawang derechong ikot (about 500 meters isang ikot), tatambakan ng Alaska ang SMB.”  Okay then… CHALLENGE ACCEPTED. I don’t think nakatakbo na ako ng ganoon kabilis at kalayo nang dere-derecho (I dont like running that much) sa buong buhay ko but I did it.

Habang pauwi kami, inabala ko ang aking isipan sa pag iisip ng ibang bagay habang bitbit ang Gatorade na dilaw at chicken sandwich na binili ko sa Family Mart. Habang palapit ako sa bahay, nanginginig ang tuhod ko, hindi dahil sa kakatakbo kundi dahil bubuksan ko na ulit ang Twitter account ko. Mas lumala ang kaba ko nung matagal magload ang timeline ko. (Ano ba Globe? #MaisingitLang) Kaya kumain muna ako ng sandwich. At noon ko nakita ang score. Lamang na lang ng 3 ang kalaban. Wow, paano nangyari yun? From 24 naging 3? Shit, magpapahatid na naman ata sa bahay nya ang chinitang crush ko.

Ang sandwich ay naglasang bulak. Parang ngumunguya ako ng ulap. Yung Gatorade na kulay dilaw ay naglasang Surf dishwashing liquid. SHIT. SHIT.SHIT. Kaba. Kaba. Kaba.

Please lumamang na kayo. 8 minutes na lang! And Alaska did. For about 4 minutes. Tapos sabi sa Twitter lamang sila ng dalawa. Tapos timeout. Pero yung lintik na kapit bahay namin sumisigaw. Shit Twitter! Bakit ka delayed? Buntis ka ba? Sana lang Alaska fan si Kuya at naka 3 point si Baguio kaya sya sumisigaw.

Pero ‘pag refresh ko… Ay pota. Fan pala ng SMB si Kuya.

Hanggang huli, hanggang dun sa jump ball, umasa ako na magtetext si Chinita. Labas na me. Wer na u? Pero wala, alaws, talo, olats. Basted. It’s not, you it’s me. All that crap!

Kung naging kayo ni Ms. Tsinita, sasabihin ng iba, swerte mo naman. O kung sa basketball, ang term daw dyan ay tsamba. You’ll call yourself, the never-give-up-guy o kung sa basketball, never say die. Pero minsan nakakahapo maghabol ng tambak ng kalaban. Kaya pag malapit na, bumibigay ka na lang, hindi dahil ayaw mo na, hindi dahil nagsawa ka na. Kundi hanggang dun na lang talaga. Dahil kahit aminin mo man hindi, totoo ang concept na “Ganun talaga. May susunod pa naman”.

Sa ngayon, ang puso ko ay masakit. Pero sa huli,alam kong mawawala din ito. Because this is what sports is all about. It’s about anticipation, excitement, hope, doubt rolled into one ala samgyeopsal. It’s about courting Ms. Tsinita even though she’s way out of your league and waiting for her text every 5 PM. At kung wala kang mareceive, eh….

Ganun talaga. May susunod pa naman.

🙂

ala2

Mga Uri ng Facebook Likes

like

Ang Facebook likes parang virginity, hindi dapat basta – basta pinapamigay sa mga hindi deserving na tao.

I want to end this conversation like.  Ginawa nang chatbox ng friend mo yung picture / status mo. Ayaw mo nang pahabain pa kasi ayaw mo nang kausap sya kaya nilike mo na lang ang last comment nya.

Obligatory like. Binati ka ng Happy Birthday nung FB friend mong inadd mo lang  dati kasi kailangan mo ng additional neighbor sa Farmville. Bastos naman ata kung di mo i-lalike yung greetings nya sa wall mo.

Paramdam like. Nilike mo yung status niya para iparamdam sa kanya na concern ka at binabasa mo ang mga status nya.

Hopeful like. Kung nagbunga ang mga paramdam likes mo at medyo close na kayo, nagtatransform yung mga paramdam likes mo into  hopeful likes. Yung kada status nya, akala mo tungkol sa yo kaya nilalike mo.

Accidental like.  Antagal mag open ng Facebook app mo. Sa sobrang inip mo, naka limang pindot ka dun sa icon. Hanggang malike mo yung kauna unahang status sa timeline mo.

Buking like. May ini-stalk ka. Nagpunta ka sa profile nya. Sa sobrang excited mo napa-like ka sa isang status nya na pinost nya 2 years ago pa. Sabay unlike ka. Kaso mo, nagnotify na sa kanya. Huli ka balbon!

Bandwagon like. Wow andaming likes nung selfie ng friend mo habang kagat kagat nya yung kutsara ng sundae sa McDo. O sige na nga i-like mo na din.

Tutok – baril sa ulo like. Hindi ko alam kung uso pa ito. Yung napilitan kang maglike kasi sinabihan kang maglike. Na parang FBFO na kayo kung di mo gagawin. Facebook friendship over.

FBFR like.  Facebook friendship revived naman ang tawag sa mga likes na resulta ng biglaang PM ng KAKILALA mo kahit recently e wala naman kayong masyadong social media interaction. Kasali daw kasi sa Mr. / Ms. Facebook yung anak ng kaibigan ng pinsan ng kaopisina nya. I-like mo daw yung picture kasi may award ang pinakamadaming maaabalang facebook friends.

Napa-smile mo ako like. Dugo pwet ka na kakatawa nung nabasa mo ang status nya, dugo ilong ka pa sa pag intindi sa ibig nyang sabihin. Deadly combination to earn a blue thumbs up.

Misteryosong like. Resulta ng pa-mysterious status ng FB friends mo na pag tinanong mo e sasagot ng secret. Halatang gusto lang magpakacontroversial. Sa susunod, wag ka nang magtanong, i-like mo na lang para kunyari gets mo ibig nyang sabihin para maguluhan sya at magkaparanoia. CONFESSION: Ginagawa ko to minsan. Yung mysterious status, hindi yung mysterious like.

Tanga like. Nagshare ka ng article. May naglike. Tapos nangyari ito. Antanga di ba?