Month: October 2014

HUSTISYA PARA SA MGA SINGLE: Mga Dahilan Para Maging Single

Naranasan mo na ba yung kumakain ka ng dessert sa isang kasalan tapos may lalapit sa iyo at tatanungin ka:

“Bakit wala kang kasama?”

Which is an implied question for:

“Nasaan ang boyfriend / girlfriend mo?”

Naranasan mo na bang sumakay sa jeep tapos may nakatabi kang kakilala tapos tinanong ka:

“May asawa ka na ba?”

And you know it will lead you to that inevitable question.

Hanggang dumating ‘yung time na hindi ka na umaattend ng mga kasal, nagdadahilan ka na para hindi pumunta sa binyag. Nagkukunyari ka nang walang kakilala sa jeep na nasakyan mo, nagooffline ka na sa FB ‘para walang maka-chat sa’yo. At marami pang iba.

Pero ang pinakaeffective sa lahat ay kung may ready answer ka na ‘pag tinanong ka na ng:

May asawa /bf /gf ka na ba? If wala, please explain kung bakit. Limit your answer in two to three sentences.

Here are some of them:

1. “CAREER MUNA”

Possible Common Reaction:Wow, artista?”

Two to Three Sentence Response: Ganun talaga. Mahina ako sa multi-tasking eh.

2. “NAG-IIPON PA”

Possible Common Reaction:Saka na, ‘pag may katulong ka nang mag-ipon.”

Two to Three Sentence Response: Eh paano ‘pag biglang bukas meron na. Wala namang masamang mag-ipon kahit wala pang pinag-iipunan?

3.WALANG MAGKAGUSTO EH”

Possible Common Reaction: “Eh kadami dyan e.”

Two to Three Sentence Response: Kung ang pagpasok sa isang relationship ay parang pagbili lamang ng mangga sa palengke, matagal na akong nakabili. Kung gusto nyo yung pinakamalaki, pinakamatamis at pinakahinog pa.

4.MAHIRAP ANG BUHAY EH”

Possible Common Reaction: ” Sus naman, makakaraos din yan pag andyan na!”

Two to Three Sentence Response: According to the latest SWS survey 4.8 million families experience involuntary hunger at least once in the past three months. Fact. Period. (Note: Kailangang subscribed ka sa latest SWS survey to use this reason)

5.ASK ME AGAIN AFTER 5 YEARS, *smile mysteriously*” (Note: Be sure to sell the smile, make it convincing enough)

Possible Common Reaction: ” Tatandaan ko yan, *smile doubltfully*!”

Two to Three Sentence Response: *nothing* (Pray ka na lang every night na na after five years, you are not single anymore or mababaling na sa iba ang mga tanong nila kasi sawa na sila)

6. “DADATING DIN ‘YUN!”

Possible Common Reaction: “Ay sya baka mapanis ka na kakahintay ”

Two to Three Sentence Response: Hindi naman ako naiinip. Di ‘ga nga at mas matagal kumulo ang sinaing kapag binabantayan. Baka masira pa ang rice cooker ‘pag pinilit.

 7. “DI NAMAN SIGURO AKO MAUUBUSAN!”

Possible Common Reaction: “‘Di mo din alam.”

Two to Three Sentence Response: Apat na bata ang isinisilang kada minuto sa Pilipinas. Fact again. Period.

8. “WALA AKONG TIME ‘DYAN EH!.”

Possible Common Reaction: “‘Weh, ‘di nga?”

Two to Three Sentence Response: *insert litanya of all the things you need to accomplish or have been accomplished so far* (Be sure that the person asking you the question does not possess / or currently doing those things hahaha)

Possible unexpected reaction: *walk out ang nagtanong*

9. “‘PAG SINGLE NA SI… *insert name of hottest celebrity who is currently in a relationship here*

Possible Common Reaction: “‘Ilusyon na ‘yan friend”

Two to Three Sentence Response: Anong ilusyon? Ang tawag dun, ambisyon. Para lang ‘yang”When I grow up, I want to be an astronaut”. Medyo far-fetched pero pwedeng mangyari.

10. “BATA PA NAMAN AKO”

Possible Common Reaction: “Bata pa ba ‘yung malapit nang mawala sa kalendaryo?”

Two to Three Sentence Response: Hindi naman kalendaryo ang nagtatakda ng edad, attitude! The more you think that you are still young, the younger you will become.

Those are just few examples. Madami pang iba.

Kaya kung single ka, baligtadin mo ang kasabihan at lagi mong isipin:

“Kung gusto kong maging single, madaming dahilan, kung ayaw ko na madami ding paraan.”

🙂

Hustisya para sa mga single na hindi makain ng maayos ang dessert tuwing umaattend ng kasalan!

Happy ONE MARVELOUS Year!!!

happyonemarvelousyear

Sa araw na ito, gusto kong malaman mo na one year na ang blog ko kaya HAPPY ONE MARVELOUS YEAR! Wow, parang ang bilis ng panahon.

Ang concept ng Sa Araw Na Ito entries ko ay nabuo habang ako ay nagmumuni-muni sa bus dahil ang dami – daming tumatawag sa akin ng Kuya kaya pakiramdam ko sobrang tanda ko na. Dahil papansin ako, pinost ko sya sa FB at may dalawang nag-like, hehe. Kaya naisip ko, sige… magpapapansin pa ako more! Hehe.

Gusto ko ang mga gawa ni Bob Ong. Sabi ko pa nga dati, gagawa din ako ng book (kapal! haha) tapos may nagsuggest, ang pen name ko daw Bob Uy, hehe. Pero since, mukhang hindi ko matutupad yun at since mabilis talaga akong magpalit ng pangarap (haha, nung bata pa ako naka limang change ata ako ng “when i grow up, I want to be….” sa isang formal theme composition namin) sabi ko na lang, may bago na akong idol, si Professional Heckler at gagawa din ako ng blog. Nung ginawa ko ‘yung onemarvelousday.wordpress.com last October 10, 2013, gusto ko lang matupad ang pangarap ko na magka-blog. Hahaha.

Oo , ito ay isang pangarap! 🙂

A few days after ko magawa itong marvelousday, may mga friends akong nagchachat sa akin sa FB (mga dalawa sila, haha) na ang start ng conversation ay “sa araw na ito….”.  Example:

“Marvel, sa araw na ito gusto kong malaman mo, na may utang ka sa aking 500”

Hahaha!

Sabi ng isa kong kaibigan (in fairness, dami kong kaibigan, mga tatlo na sila based sa mga naisama ko sa entry kong ito, hehe): “Magkano ba kinikita mo sa pagba-blog?”. Sabi ko naman: “Wala! Happiness lang, hahaha”

Masaya na ako pag may 20 views ang isa kong blog entry. Sa panahon ng lintik na fair use policy at scarcity ng free wi-fi, biruin mo may 20 taong  nagclick ng link na pinost ko sa FB. May 20 taong naglaan ng oras para basahin ang mga kalokohan ko. Sa 20 na tao na yun, minsan may paisa-isang nakakarelate na naglalike nung mismong share ko sa FB. Pag nakita ko yun sa umaga paggising ko, masaya na ako. Hahaha.

At ngayon, after 20 posts na puro kaepalan, pambebengga at kadramahan, after  1000 views (salamat sa pagrerfresh na ginawa ng mga friends-officemates ko kanina, pampadami ng views, hahaha), after days ng pagpupuyat para gumawa ng headers na magiging low-res din pala pag nai-upload ko na, sa wakas, aba nakaisang taon na din pala ako sa pagba-blog!

At dahil nag-click kayo ng 1,000 times sa blog ko, nangangako ako na on the second year of onemarvelousday, mas dadami pa ang pag-eepal, pambebengga at kadramahan ko, bwahahaha. Naglista na nga ako ng mga iba-blog ko e para di ko malimutan (sana lang may time akong gawin sila). Here are 10 of them kasama yung balak kong gawing title nila, F.R.I.E.N.D.S. style:

  1. For one blog entry, gusto kong magsulat tungkol sa lovelife ko (bwahaha, mukhang mahirap ito, kakailanganin ko yatang mag-imbento ) – The One WIth All the Imbento (haha!)
  2. Isang blog entry na magmumura lang ako nang magmumura – The One With All the Cursing
  3. Isang blog entry tungkol sa kabataan ko sa Sitio Calabasahan – The One Where We Go Beyond What You See (In The Mountains!)
  4. Isang blog entry na mambibisto ako ng sekreto ng isa sa mga friends ko (eh di ba tatlo lang sila, hahaha, sino kaya sa kanila? lol) – The One Where I Reveal Somebody’s Secret
  5. Isang blog entry na compilation ng lahat ng unexpected funny moments na andun ako, like:

           “Friend 1: Pag kalbo ka kaya, magkaka dandruff ka pa din?

           Friend2: Syempre hindi, wala ka nang scalp e”

          Hehe, if matagal na kitang friend sa FB, nabasa mo na ito sa isa sa mga post ko. Peace sa magtukayong involved sa               kwentong ito, hehe – The One With All The Laughters

  1. A blog entry comparing tennis to real life – The One With All The Comparisons
  2. A blog post about teachers, a profession that is close to my heart 🙂 kahit hindi ako teacher – The One With the True Heroes (hala seryoso mode)
  3. A blogpost about pang eepal sa isang current event – The One Where I Don’t Care If No One Asked For My Opinion
  4. A blog entry where I discuss the benefits and consequences of being pogi este cute – The One With All The Kapogian
  5. A blog entry about anything na una kong makikita paglabas ko ng bahay on that day – The One Where I Saw Something Not Interesting But I Have To Blog It Because I Promise That I Will

Yun! Kaya good luck sa akin, sana magawa ko ito lahat at sana walang magagalit sa akin. At good luck din sa inyo, kung babasahin nyo pa ang mga blog posts ko on my second marvelous years, hehe. Thank you for your continuous support, friends. Have a marvelous day!

:p

Ang Spoiled Mong Mundo

spoiled - pep.ph

Image from pep.ph

Nagdiriwang ba ang mundo dahil sa iyong panalo o dahil pumusta sila na ‘di ka matatalo?

Sa araw na ito, gusto kong malaman mo na minsan sobrang spoiled ng mundong nakapaligid sa iyo. Isang pagkakamali mo lang agad na itong nagrereklamo. Sa sobrang galing mong magtago ng ng tunay mong nararamdaman, akala nila okay lang na ikaw ay masaktan. Sa sobrang alam nilang “oo” lang ang kaya mong isagot, sa isa mong hindi, agad na silang humihikbi.

Yung parang kapag hindi na-knock – out ni Manny Pacquiao ang kalaban, di ba andami na agad umeepal? Na para bang ikatatalo nya kapag hindi nya napabagsak ang bugbog-saradong kalaban.

Ang isang bata ay lumaking spoiled dahil pinabayaan ng magulang sa kung ano ang gusto sa takot na siya’y umiyak. Ang spoiled mong mundo ay nangyari dahil natuto kang mabuhay ayon sa kung ano ang ikasisiya ng paligid mo.

Minsa’y hayaan mong umiyak ang bata para maranasan niyang masaktan. Masaktan at tumanggap ng kabiguan. Minsa’y hayaan mong lumuha ang mundo para sa kung ano ka at hindi para sa kung ano ang gusto nila.

Ang spoiled na bata ay kulang sa disiplina. Sa spoiled mong mundo, ikaw lang ang nagdudusa.