Month: August 2014

What If There’s No “One More Chance”?

popoyandbashagoodbye1

Image from: popoyandbasha.tumblr.com

“Only those who exert effort deserve second chances. So save your “one more chance” to people who will part seas and move mountains para maging ‘kayo na lang ulit'”

Sa araw na ito, gusto kong malaman mo na minsan may isang moment ka kasama ang isang tao na alam mong iyon na ‘yun pero pinalampas mo dahil akala mo madami pang susunod.

‘Yung moment na parang bus isang hating-gabi ng Miyerkules. Hindi mo pinara pero wala nang dumaan ulit. Hindi ka naman humabol. Naghintay ka pa ng dalawang oras at nung walang dumating na bagong bus, saka ka nanghinayang at gumawa ng listahan ng madaming “what ifs”.

Sometimes, kapag napalagpas mo ang “moment” na yun, wala ka nang magagawa pa. Hindi kasi siya parang pagpasok lang ng late sa klase na pagdating mo sa room, pwedeng mong sabihing: “Good morning Ma’am. Im sorry I’m late. Can I come in?” Hindi rin ‘sya deadline sa trabaho na pwedeng easy-easy lang sa simula at saka ka magka-cram ‘pag malapit na. Ang “moment” na ‘yun ay hindi na-aanticipate o na-rerewind. Hindi mo maaaring i-compute ang kanyang estimated time of arrival or departure.

Ang moment na ‘yun ay mararamdaman mo na lamang. It’s either you grab that moment or be ready to call it as ‘that one moment that got away’. Dalawa lang ang choices, hindi pwedeng time first, hindi pwedeng ewan, hindi pwedeng both.