Month: June 2014

Hustisya Para sa mga Single: Couple Strategy

“Hi Jollibee, pa-request naman ng priority lane for singles sa stores nyo. For control purposes, pwede na ang ‘present your Facebook relationship status’ as evidence that you are actually single. #bitter Hahaha!”

Ang utak lang ni Ate at Kuyang mag-jowa sa Jollibee. Since dalawa yung pila, pumuwesto sila sa gitna habang magkatabi para nga naman represented sila sa both lanes. Maunang makarating sa harap na lang, ang mahalaga walang makauna sa kanila!

At habang takap na takap ako sa oorderin kong one piece spicy chicken, nagbubulungan ang dalawa kung anong oorderin nila kasi as it turned out hindi nila napaghandaan ang tactic nilang ito, hahaha.

Obviously isa ito sa advantages ng “in a relationship”, kaya: NASAAN ANG HUSTISYA PARA SA MGA SINGLE NA BUMIBILI NG ONE PIECE SPICY CHICKEN SA JOLLIBEE?!

Hahaha!

Thank You, Thank You, Thank You!

Image

Thanks, Jho 🙂

“‘Pag pinagsama mo ang salamat at paumanhin sa isang pangungusap, para ka na ding gumawa ng kape para sa isang taong hindi mo kabisado ang gustong timpla.”

Sa araw na ito, gusto kong malaman mo na sa daming beses nating paulit-ulit nasasabi ang isang bagay, minsan nalilimutan na natin ang tunay nitong kahulugan.

Malimit ‘pag sumasakay ka ng jeep, nagpapasalamat ka pag iniabot ng Ale sa tabi mo ang bayad mo sa drayber o pag directly iniabot ng driver sa iyo ang sukli.

Nagsosorry ka kapag may natapakan ka ng konti pagbaba mo sa masikip na jeep. Nagsosorry ka kapag muntikan mo nang mabangga ‘yung kasalubong mo tapos gumilid sya sa kanan niya at gumilid ka din sa kaliwa mo tapos muntikan na uli kayong nagkabanggaan.

Sa daming beses tayong nag-thank you at nagsorry, minsan hindi mo na alam kung tama at applicable pa ba sa isang sitwasyon ang thank you at sorry. Minsan napapathank you ka kahit ikaw ang nag-abot sa driver ng bayad ng Aleng katabi mo. Napapasorry ka kahit ikaw ang natapakan ng mamang nakaboots na bumaba sa jeep.

Naging normal na sa atin ang hindi masabihan ng thank you at sorry kahit labis na tayong naperwisyo at nasaktan.

But why do we keep on saying thank you and sorry every time kahit wala namang nagtethank you at sorry sa atin? Dahil sa mga panahong baligtad ang sitwasyon, saka mo marerealize kung gaano kaimportante ang thank you at sorry. Katulad nung isang araw na may old couple na papasok sa McDo habang palabas ka ng pinto. Hinawakan mo ang pinto at pinapasok mo muna sila bago ka lumabas. Sinabihan ka nila ng thank you at nginitian ng kasing tamis ng binili mong Coke float. Ang sarap lang sa puso (ng ngiti, hindi ng float)!

Kaya sa lahat ng nagbabasa nito, thank you guys for still clicking the link I am posting on Facebook.  And sorry kung most of the time I am just wasting your time 😀

See, what I did there? Ayaw ko kasing mabugahan ng mainit at mapait na kape 🙂