Tax Season 2014 is Over!

Image

(Note: This one is for my friends and former officemates in external audit. Para din sa lahat ng napagod, napuyat at nastress during tax season. Happy end of tax season guys!)

DECEMBER 31,2013. Kasabay ng mga putukan at kasiyahan bago magpalit ang taon, hindi mo tiyak maiwaglit sa iyong isipan: December 31.  As of, for the year ended. Ang date na paulit-ulit mong isusulat sa mga FS at working papers na gagawin mo.

” TAX SEASON, BRING IT ON!”.

APRIL 15, 2014. Tiyak na nasa ATM mo na ang pinaghirapan mo sa nakalipas na labing limang araw. Pero kung ang iba ay aligaga nang gastusin ang kanilang mga sweldo, ikaw ay wala nang enerhiya para icheck pa kung pumasok na nga ba o hindi sa bank account mo ang figure na nakasulat sa payslip mong makapal na ang patas sa Accounting Dept. Tiyak na ang nasa isip mo na ay ang kama mong bagong palit ang bedsheet (syempre pinaghandaan mo ang araw na ito).

Habang iniisip mo ito, malamang nagfa-flashback na sa isip mo ang mga bagay na nagawa mo sa loob ng apat na buwan (o mahigit pa):

umattend ng kick off meeting

nahaggard dahil nalimutan mong ipa-schedule kay Boss ang kick-off meeting

gumawa ng audit requirements

gumawa ng audit procedure

nag-roll forward ng audit procedure from last year

nanghingi ng trial balance

gumawa ng adjustment sa trial balance

nag-reverse ng ginawang adjustment sa trial balance

nagtest of control

nagtest ng imaginary controls

nagvouch ng 1,230 samples

natuklasang wala palang exception sa 1,230 samples

naghanap ng nawawalang nine pesos

nagbreakfast ng hotdog ng 7-11 habang hinahanap ang nawawalang nine pesos

nakita ang transposition error na dahilan ng nawawalang nine pesos

naghanap ng nawawalang piso

naghanap ng nawawalang piso habang kumakain ng lunch na tinake-out ng officemate mong puro fiscal year ang kliyente

naghanap ng nawawalang staff

naghanap ng nawawalang senior

naglubog ng nawawalang piso

naghanap ng nilubog na piso ng auditor ng client mo last year

gumawa ng sangkatutak na eliminating entries

nag-sign off ng sangkatutak na working papers

nakipagtalo sa client dahil sa PAS 19

nakipagtalo sa officemate dahil sa PAS 19

umiyak dahil sa PAS 19

nakiiyak kasi nabalitaan mong napopromote daw ang mga umiiyak pag tax season

nagbilang ng inventory

nagbilang ng furniture and fixtures

natulog sa office gamit ang pinagdugtong-dugtong na furniture and fixtures

nag-adjust ng deferred revenue

nagcompute ng deferred tax

nagmuni-muni sa iyong deferred love life

tumakas sa office at nanuod ng Captain America

bumalik sa office, makatulog sa desk at managinip na lahat ng FS ng mga clients mo ay ginawa ni Captain America

nag-save ng “ABC Company FS v.1”

nag-save ng “ABC Company FS v.2 – final”

nag-save ng “ABC Company  FS v.3 – final na talaga ito”

sumakay ng bus ng feeling mabaho habang mukhang fresh na fresh ang ibang pasahero

sumakay ng bus na hindi pala dadaan sa inuuwian mo

nailagpas ng bus na sinakyan mo pauwi dahil nakatulog ka

nanakawan ng cellphone sa bus dahi nakatulog ka

gumawa ng madaming review notes

nag-dispose ng madaming review notes

nagdispose ng sarili mong review notes

nangopya ng FS discloure

nakitang hindi mo napalitan ang name of company sa kinopya mong FS disclosure

nabilugan ng malaki at nalagyan ng 3 question marks ng Engagement Partner / Manager ang hindi mo napalitang name of company sa kinopya mong FS diclosure

naduling sa dami ng box ng Income Tax Return form

nainis sa paulit ulit na information sa BIR Income Tax Return form

…. at marami pang iba

Sa loob ng mahigit apat na buwan, ang dami mong nagawa at pinagdaanan. Additional bonus na lang kung ilang FS ang narelease mo, sa huli, masusukat ang tagumpay ng tax season mo sa dami ng mga karanasan at kaalamang iyong natutunan.

Ang bawat pagpupuyat at mahahalagang okasyon na hindi napuntahan ay simbolo ng iyong sakripisyo. Ang bawat pisong hinanap mo kahapon at nakita mo kinabukasan ay simbolo ng mahabang pasesnsya at determinasyon. Ang bawat ubo, bawat luha, bawat pimple, bawat hikab at bawat kusot sa iyong nanlalabong mata ay simbolo ng iyong dedikasyon sa napili mong propesyon.

Sa lahat ng iyan, SALUDO AKO SA IYO!

Ngayong “slack season” paniguradong mahihirapan ka na namang mamili. Tutuloy pa ba o tama na? One more or no more? Ayoko nang mapuyat or give me more puyat? Anu’t anuman ang iyong mapagdesisyunan, binabati pa din kita. Para sa iyo, para sa lahat ng katulad mo:

 Cheers and job well done, KAIBIGAN!

2 comments

Leave a comment