Kilig!

Image

“Hindi lang ang umiibig ang nakakadama ng kilig.”

Sa araw na ito, gusto kong malaman mo na minsan, kung gusto mong ma-impress sa iyo ang isang tao, hindi mo na kailangang ipangalandakan sa kanya kung ano ang kaya mo. Sapat nang ipakita mo kung anong meron ka para patunayang karapat-dapat ka para sa kanya. Sometimes, we perceive the first thing we see. Without deep understanding, our brains subconsciously choose to be lazy and interpret things at face value.

Sa isang umagang masama ang iyong gising, sino ang binibilhan mo ng taho? Iyon bang marinig mo pa lang ang sigaw ng mahabang “TAHOOOOOO!!!” ay para ka nang nag-jogging ng tatlong ikot sa Ayala Triangle o iyong bahagya na marinig ang sigaw? Malamang yung una, ano? Pero ang di mo alam, si Kuyang bahagya na makasigaw ay madami palang maglagay ng arnibal.

Sabi nga nila, don’t judge a book by its cover. But we tend to do so. Ang paghusga sa isang libro sa pamamagitan ng kanyang pabalat ay parang kilig na dulot ng ginhawa mula sa pag-ihi – hindi maiiwasan at kusang nararamdaman ngunit maaaring itago, gawin ng palihim at hindi ipangalandakan.

 

Leave a comment